Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karamihan ng Pinoy payag sa contact tracing

0 155

Lumabas sa survey na karamihan ng mga Pilipino ay handang makipagtulungan sa COVID-19 contact tracing.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa ng Setyembre 17-20, 97% ng mga Pinoy ang nagsabing payag silang magpa-quarantine sakaling nakasalamuha ang isang COVID-19 carrier.

Nabatid pa na 96% naman ang handang magbigay ng listahan ng mga taong nakasalamuha nila.

Sa 1,249 na na-survey, 87% ang nagsabing magboboluntaryo silang magpa-test kada linggo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.