Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karamihan quarantine: NLEX kulang sa tauhan

0 154

RP

Nanawagan ang NLEX Corp. sa mga motorista na maging pasensyoso sa pagbigay ng trapiko sa expressway dahil sa kakulangan ng tao sa kanilang operasyon.

Ayon kay NLEX senior vice president for communication and stakeholder management Romulo Quimbo Jr, ito’y dahil karamihan sa kanilang empleyado sa Bocaue toll exit ay nasalang sa quarantine.

“May mga tauhan tayo… as of yesterday, meron tayong total ng 78 na naka-quarantine o naka-sick leave,” saad ni Quimbo sa dzBB.

“Naka-quarantine sila because of exposure. Hindi naman nangangahulugan na positive,” aniya pa.

Sa ngayon ay nasa 16 na toll booth lamang ang nakabukas sa Bocaue toll plaza.

“We are augmenting the frontliners with back up teams from other plazas and deploying new recruits. To help manage traffic on the ground, we periodically open counterflow lanes for RFID users and maximize deployment of additional patrol crews to assist motorists. A dedicated team of engineers are already on the ground to quickly address problems with RFID,” ayon sa pahayag ng NLEX management.

Leave A Reply

Your email address will not be published.