Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karanasan at political will

0 120

Ang bilis ng panahon. Maglilimang taon na liderato ng Duterte administration at sa susunod na taon pipili na naman ang sambayanan ng bagong mga lider na mahahala sa ating bansa sa panibagong anim na taon.

At habang patuloy ang laban ng lahat sa pandemya, nag-umpisa na ang pormahan ng ilang mga presidentiables para sa 2022 national elections.

Naglabasan na rin ang mga presidential surveys kaya may ideya na ilan kung sino ang mga tatakbo sa susunod na halalan although wala pa namang kumpirmasyon dahil masyado pang maaga para magdeklara para dito.

Siyempre iniiwasan ng ilan diyan na matulad kay dating Vice President Jejomar Binay na maagang nagdeklara, kayo ayon maaga ring pinnaghandaan kanyang mga kalaban. And sad to say, nagresulta iyon sa kanyang pagkatalo sa presidential race noong 2016.

Tatlo sa probable candidates ay pawang mga babae – Davao City Mayor Sara Duterte, Sen. Grace Poe at Vice President Leni Robredo. The rest, mga big names sa Senado tulad nina Sen. Ping Lacson, Senate President Tito Sotto at Sen. Manny Pacquiao.

Kasabay ng mga survey ay ang paglutang naman ng tambalan para sa presidential election. May umuugong posibleng ang Duterte-Duterte sa 2022 kung saan si Mayor Inday ang tatakbong presidente at bise ang kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit na natalo sa kanyang protest laban kay Robredo, mukhang tatakbo muli itong si dating Senador Bongbong Marcos at posibleng magtambal sila ni Manila Mayor Isko Moreno.

Andiyan ang possible tandem nina Mayor Sara at Sen. Bong Go na dating presidential assistant ng pangulo. Kalat na din sa social media ang Duterte-Pacquiao bagama’t lahat nang ito’y wala pa talagang kumpirmasyon bagamat panay na ang ikot ni Pacquiao at Go sa iba’t ibang bahagi ng bansa magbigay ng tulong sa ating mga kababayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi lang yan. Lumutang din ang posibleng tambalan nina Marcos at Mark Villar [DPWH chief]. Parehong mula sa malaking angkan at magkasama sa Nationalista Party. Hindi mo masabi, who knows, ika nga.

Pero hindi pahuhuli ang Lacson-Sotto tandem. Alam naman natin na solid ang samahan ng dalawang ito at maganda ang working chemistry kaya hindi malayong mag-tandem din sila.

Kung titingan ang mga lumutang na pangalan ng mga presidentiables, si Lacson ang mamumunod-tangi lalo ng kung karanasan sa pamumuno ang ang pagbabatayan. Ganoon din naman ni Sotto na subok na subok ang serbisyo publiko. Hindi sila bago, antigo sila na sila sa serbisyo kumbaga.

Para sa akin ang pagiging presidente hindi naman pinagpapraktisan yan, dapat experienced na at may political will. Sila ang sa tingin ko’y may mga qualities para maging susunod na lider ng bansa. Hindi iyong tatakbo ka lang dahil popular ka o marami kang pera. Hindi ‘yan ang dapat maging batayan sa pagpili ng susunod na pangulo at pangalawang panglo ng bansa.

Buong bansa ang pinapatakbo mo hindi isang barangay, distrito, bayan o lungsod lang. Kaya ang tanong sapat ba ang kanilang karanasan para pamahalan ng buong bansa?

Kaya ba nilang wakasan ang katiwalian sa gobyerno, bagay na hindi naman natin nakita nitong mga nagdaang mga panahon.

Kaya ang tanong: Sino sa mga presidentiable na ito na kapag korapsyon ang pag-uusapan ang hindi natatakot tumanggap kanino man? Sino sa kanila ang hindi mukhang pera at hindi nambibili ng mga dambuhalang negosyante?

Bukod diyan, sino sa kanila ang kilala nating matapang na lumalaban at patuloy na lumalaban sa mga korap. Sino sa kanila ang tatapos sa korapsiyon? Ilan lang ito sa mga tanong na puwedeng gawing basehan sa pagpili ng susunod lider ng ating bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.