Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karanasan sa Clark Bubble iba kay Yap

0 127

Kung si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. ang tatanungin, kakaibang experience para sa kanya ng pro league bubble sa Clark Freeport and Special Economic Zone.

Sa PBA media availability nitong Linggo, ibinahagi ng Rain or Shine forward ang kanyang saloobin para sa formet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Siyempre kakaiba ito sa 16 years ko sa liga. Kumbaga ‘yung feeling ko ngayon nakaka-excite, kakaiba dahil syempre una sa lahat walang nanonood kumbaga sa TV lang. So kakaiba, ” sagot ng two-time PBA Most Valuable Player.

Dagdag pa niya, “Kaya ako mismo masasabi ko na talagang excited akong maglaro dito sa bubble na ‘to kasi kumbaga masasabi ko once in a lifetime itong experience na ‘to’. ‘Di na mauulit ‘to. Sana naman ‘wag maulit ‘di ba? So itong moment na ‘to kailangan iyung lahat ng players in-enjoy na lang.”

Nakatakda sumalang si Yap at ang Elasto Painters sa restart kontra San Miguel Beermen sa darating na Oktubre 13 ng alas-4:00 nang hapon sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.