Abante Tonite Interactive

Karapatan ng ampon sa mana

302

Dear Atty. Claire,

Good day Attorney. Tanong lang po ‘pag ba ampon wala nang karapatan magmana sa namayapang kinilala kong magulang? Mayroon naman po akong birth certificate na kinikilala ako ng mga magulang na nagpalaki sa akin.

Hindi kasi ako binigyan ng share ng tiyahin ko sa lote na tinitirhan namin. Pero may nagawa ng extrajudicial sila noong buhay pa ang nanay ko, tapos nga­yon nagpagawa sila ng bagong extrajudicial hindi na kasali pangalan ng nanay ko kasi raw ampon ako kaya wala raw ako mamanahin ­ga­ling sa nanay ko.

Tama po ba ‘yun? Wala na po bang bisa ang naunang nagawang extrajudicial? Sana po matulu­ngan niyo kami kung alin ang legal, ‘yung naunang papeles o ‘yung bagong gawa nila? Sana po masagot niyo Attorney, nagkakagulo po kami ngayon.
Salamat po,
Noel

Dear Mr. Noel,
Ang isang ­adopted kung legal ang ­ginawang proseso at dumaan sa korte ang lahat ay ituturing na isang tunay na anak na may karapatan ­kahalintulad ng isang biological child.

Kung ang gina­wang pag-ampon ay sa pamamagitan lamang ng mamemeke ng birth certificate o simulated birth certificate ay walang magiging karapatan ang batang inala­gaan ng mahabang panahon ng taong kumukop sa kanya ­kahalintulad ng isang tunay na anak.

Base sa kuwento mo at base sa birth certificate mo ay ikaw lamang ang tunay na may karapatan na magmana sa naiwan ng mga tinu­ring mong magulang. Ang tiyahin mo ang siyang dapat na magpatunay na hindi ka tunay na anak o kaya naman ay hindi ka na-adopt legally.

Kung gagawa sila ng extrajudicial settlement of estate ng nanay mo ay maaari mo silang sampahan ng kasong falsification of public document dahil sa pagsisinungaling sa kanilang sinasabi na walang anak ang nanay mo.

Sa ngayon ay ­inaasahan ko na ikaw ang may hawak ng titulo o anumang ari-arian na naiwan ng nanay mo at maaari kang magpagawa ng Affidavit of Sole ­Adjudication kung saan mo ilalagay na ikaw lamang ang naiwang compulsory heir ng nanay mo at saka mo ilakip ang iyong birth ­certificate na na-issue ng PSA (NSO dati).

***
Kung may ­katanungan pa ay tumawag sa 89220245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.