Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karapatan ng mga babae protektahan – Duterte

0 254

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na makilahok sa mga adbokasiya at aktibidad para sa mga kababaihan.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa virtual kick-off ceremony ng 2021 National Women’s Month celebration na ginanap nitong Miyerkoles.

Mayroon aniyang mga ginagawang hakbang ang gobyerno para masigurong magkaroon ng pantay na oportunidad ang mga kababaihan sa edukasyon, ekonomiya, health care, social service at iba pa.

“I urge our people to participate in advocacies and activities that promote women empowerment,” anang Pangulo.

Kinilala rin ni Pangulong Duterte ang malaking papel ng mga kababaihan para sa pagkakaisa ng mga Pilipino.

Kaya hinimok nito ang publiko na magkapit-bisig para matiyak na napoprotektahan ang mga karapatan at pangangailan ng mga kababaihan.

“Let us work hand in hand to address the needs of women and honor their immense contribution to society,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.