Abante Tonite Interactive

Karapatan ng solo parent

528

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Nu’ng buntis pa lamang ako ay ‘di na ako tinayuan ng ex boyfriend ko at iniwan sa akin ang res­ponsibilidad sa anak namin. Ngayon ay nagpapadala lamang siya ng mga basic needs ng bata tulad ng gatas at diaper.  Maituturing ba ako na solo parent?

May work naman po ako at sapat lang ang sweldo ko para sa aming mag-ina. Ano-ano po kaya ang maaari kong mapakiusap sa ­aking employer dahil medyo hirap ako sa oras ko?

Nais ko sana mag-avail ng housing loan para sa low cost  or socialized housing lamang­ po… ano po kaya karapatan ko?

Salamat po,

Marissa

Marissa,

Mabuti naman na kahit paano ay nakakaya mo ang sitwasyon mo sa ngayon at hindi mo inisip na ipasa sa iba ang pag-aalaga sa anak mo.

Ayon sa Solo Parent­ Act o RA 8972 ang solo parent ay maaaring isang:

***

(8) Unmarried mother­/father who has preferred to keep and rear her/his child/children­ instead of ha­ving others care for them or give them up to a welfare institution;

***

Kaya ikaw ay masasabi ko o maituturing­ na isang solo parent. Binibigyan ng maraming pribilehiyo o privilege ang isang solo parent kahit pa na hindi siya papasok sa poverty line, tulad ng mga sumusunod:

Section 6. Flexible Work Schedule. - The employer shall provide for a flexible working­ schedule for solo pa­rents: Provided, That the same shall not affect individual and company­ productivity: Provided,­ further, that any employer may request ­exemption from the above requirements from the DOLE on certain meritorious grounds.

Section 7. Work Discrimination. - No employer shall discriminate against any solo parent employee with respect to terms and conditions of employment on account of his/her status.

Section 8. Parental Leave. – In addition to leave privileges under existing laws, parental leave of not more than seven (7) working days every year shall be granted to any solo pa­rent employee who has rendered service of at least one (1) year.

Ilan lamang ito na maaari mong maipakiusap sa iyong employer dahil karapatan mo ang mga iyan.

Tungkol naman sa iyong balak na mag-housing loan ay may privilege ka rin na makukuha, tulad ng:

***

Section 10. Housing Benefits. – Solo parents shall be given allocation in housing projects and shall be provided with liberal terms of payment on said government low-cost housing projects in accordance with housing law provisions prioriti­zing applicants below the poverty line as declared by the NEDA.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com