Abante Tonite Interactive

Karate Pilipinas kinilala ng WKF — Lim

By
0 70

Umaasa ang Karate Pilipinas Incorporated, bagong kinilalang national sports association sa kara­tedo, na magkaroon ng magandang simula at pagbabago sa naturang sports.

Ito’y matapos na agad pinagbayad ng kanilang membership fee ang pamunuan ng Karate Pilipinas Incorporated at isinama sa listahan ng lahat ng mga kinikilalang mi­yembrong asosasyon sa isinaga­wang 24th World Karate Federation Congress sa Madrid, Spain.

Masayang ibinalita ni Richard Lim, pangulo ng Karate Pilipinas, ang ibinigay na pagkilala ng World Karate Federation (WKF) sa ginanap na pagsasama-sama ng lahat ng namamahalang asosasyon ng bawat bansa bilang bagong miyembro mula sa Pilipinas.

“Philippine karate looks forwards to a fresh start,” ani Lim sa kanyang FB account matapos makamit ang pagiging lehitimong asosasyon sa karate mula kina WKF general secretary Toshihisa Nagura, WKF executive council member Vincent Chen at WKF president Antonio Espinos.

Papalitan ng Karate Pilipinas Incorporated, na una nang binigyan ng pansamantalang rekognasyon ng WKF, ang dating miyembrong Philippine Karatedo Federation-NSA.

Binigyan ng pagkakataon sa WKF Congress ang PKF-NSA na ipaliwanag ang mga isyu at reklamo na inihain sa asosasyon subalit walang tumugon na naging dahilan para tuluyan na itong palitan sa internasyonal na grupo.