Abante Tonite Interactive

Karbon pinadidispatsa kay Digong

321

Isang kilos protesta ang isinagawa ng mga kababaihan upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang regalo sa mga pamil­yang Pilipino na isantabi at tuluyan nang idispatsa at huwag ha­yaan na magkaroon pa muli ng mga karagdagang ‘coal power plants’ na hindi lamang masama ang epekto sa kalusu­gan kundi malaking pinsala din ito sa kapaligiran at ‘climate change.’

Ang Christmas wish ng mga kababaihan na kinabibilangan ng mga ina ay kasunod ng mga kritisismong ibinato sa Pangulo ng mga pribadong ‘water concessionaires’ nitong nakaraang Linggo.

Sa rally na pinangunahan ng Progressive Women’s group Oriang kung saan ay nagdala sila ng tigka-kalahating pagkain na pang-noche buena na kadalasang inihahain ng mga Pinoy at tanging kahili­ngan nila sa Pangulo ay huwag nang pahintulutan pa ang pagtatayo ng maruming enerhiya gaya ng mga ‘coal po­wer plants’ sa bansa.

“Today, coal and other fossil fuels dominate our power mix not because they are the best option for consu­mers, but because contracts for these fuels are most profi­table for private power companies,” giit ni Oyette Zacate, tagapagasalita ng Progressive.