Abante Tonite Interactive

‘Kardashian sisters’ pinrotektahan ang mga diyamante

215

Milyong dolyar na halaga ng diyamante ang binalandra ng Kardashian sisters na sina Kim, Khloe at Kourtney para sa photoshoot ng kanilang bagong fragrance line.

Hindi lang ‘yan dahil sinigurado nilang protektado ang mga ito at nag-hire ng tatlong armadong security guards.

Ang bagong perfume line ng Kardashian sisters ay may temang “Diamond” na ilalabas nila sa darating na holidays. Kaya naman todo burloloy ng diyamante ang magkakapatid.

Maging ang pag-transport ng mga hikaw, kwintas, pulseras at singsing na puro gawa sa diyamante ay bantay-sarado rin ng nga guwardiya.

Ayon sa source ng TMZ, ang ibang jewelry ay hiniram sa designer na si Lorraine Schwartz kaya naman mas pinaigting ang seguridad.

Taas kilay naman ang ibang netizen sa “Diamond” theme ng Kardashian. Magsimula kasi nang malooban ang tinutuluyan ni Kim sa Paris ay hindi na ito kailanman nagsuot ng mga diyamante.

Tanging mga replikang alahas na lamang ang mga sinusuot niya. Gagamitin lamang niya ito sa mga espesyal na okasyon kagaya ng red carpet at mga photoshoot. (Ronaline Avecilla)