Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karen, Arnold ‘reresbakan’ si Korina

0 199

Trending sa Twitter ang broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Ito ay kaugnay nang naging post umano niya sa kanyang Instagram account . Tila ipinagmamalaki ng mamamahayag na never pa siyang tinatamaan ng Covid-19 ngayong may surge ng Omicron.

“Imagine. Lahat nagka-Covid na. Ako never pa. And I’m all over. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan,” caption ng post.

Sa naturang post, mega flaunt din si Korina ng kanyang body na naka-swimsuit sa isang beach.

Dahil dito, umani ng samu’t-sari ang pambabatikos sa netizens ang nasabing post .Sa ngayon ay burado na sa kanyang social media account.

Ito naman ang komento ng netizens sa kontrobersyal na post.

“Getting Covid is never a moral issue. That Korina post is really off. The actual stigma of getting it is really bad. No one wants to get sick and it’s not because you’re careless or carefree.”

“Such a very insensitive post from Korina Sanchez.”

Hirit tuloy ng ibang kibitzers, ano raw kaya ang resbak kay Korina ng kapuwa niya broadcaster na nagka-Covid tulad nina Karen Davila, Howie Severino at Arnold Clavio.

Pang-iintriga naman ng ilan, kung totoong galing daw ang pahayag kay Korina, pinatutunayan lang daw nitong mas may class umano ang kanyang rival na si Jessica Soho sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.