Abante Tonite Interactive

Karen Darling of the Press ng Miss Intercontinental 2018

289
Malakas ang laban ng Bb. Pilipinas Intercontinental na si Karen Gallman nang rumampa siya sa press presentation ng 47th Miss Intercontinental na ginanap sa Sofitel Hotel.
Ngayon pa lang ay humahakot na siya ng mga special award. Nanalo siyang Darling of the Press at siya rin ang H&H Stand Out Beauty (Havey na Havey sa Ganda).
Marami pang ganap ang mangyayari sa Miss Intercontinental bago ang ­koronasyon sa January 26 sa Mall of Asia Arena.
Sa Grand Ballroom sa Okada Manila gaganapin ang  swimsuit at Philippine Designers’ Evening Gown Fashion Show sa January 16.
Ganoon din ang Evening Gown Competition at Philippine Designers’ Filipiniana Fashion Show  sa January  17. Pati na rin ng National Costume Competition sa January 19.
Ang TV airing ay sa January 27 bago mag-“ASAP” sa ABS-CBN 2. (Roldan Castro)