Abante Tonite Interactive

Karen Davila, ‘pikon’ na kay KaladKaren?

34

FINALLY ay nakaharap na ni Karen Davila ang kanyang impersonator na si Jervi Lee, na mas kilala ngayon bilang KaladKaren Davila.

Nag-pinost mismo si Julius Babao sa Intsagram wall niya ng short video footage ng pagkikita ng dalawa.

“Breaking! Karen meets KaladKaren Davila for the first time! LOL, @iamkarendavila @jervijervi,” caption ni Julius.

Nagsimula nga ang shot sa impersonator ni Karen na nasa entrance ng dressing room nito at nag-panning sa nag-aayos na si Karen Davila sa harap ng salamin, hanggang sa magkita sila nang harap-harapan.

Kuwela ang pagkikita ng dalawa dahil parang hindi talaga nagkakalayo ang kanilang mga itsura, mula sa style ng pananamit ng award-winning TV journalist hanggang sa hairstyle nito, gayang-gaya ng kanyang impersonator.

Pati ang tubo ng kanilang mga ngipin at hugis ng mukha ay magkasing-hawig talaga sina Karen at KaladKaren.

Kumpara sa ibang mga celebrities na may negative side comments sa kanilang impersonator, masayang tinanggap ni Karen ang kanyang impostora. Hindi nga totoo ang tsika na napipikon siya sa panggagaya ni KaladKaren sa kanya.

Wala ngang dapat ikaayaw si Karen sa kanyang impersonator, dahil bukod sa maganda ito na gaya niya, edukado pa at pareho nga ng alma-mater sina Karen at KaladKaren, ang University of the Philippines.

Sa pagsulpot ni KaladKaren ay lumambot ang matigas na image ni Karen bilang news anchor.