Abante Tonite Interactive

Karen gandang ‘di patutumba

283

Na-broke, bumangon at tinanghal na Miss Eco-Tourism 2019 ng Miss Philippines Earth. Iyan ang istorya sa likod ng abot-tengang ngiti ni Karen Nicole Piccio ng Maasin, Iloilo.

Ang ganda at tatag ni Karen ay tunay na maihahalintulad sa bulaklak na kanyang kinakatawan, ang bamboo flower. Ikinuwento niya ang pinagdaanan bago makuha ang titulong Miss Eco-Tourism 2019.

“I went through a heartbreak at the start of this journey and it was extremely difficult for me to get back on track. I cut my own hair and had a massive weight loss. There were many mornings I refused to get up from bed too,” kuwento niya.

Ang mga panahong ito ang mas nagpatibay sa kanya at sa kanyang adbokasiya. Si Karen ay katulad ng kawayan na dinaanan man ng unos at kalamidad ay hindi mapatutumba.

Sey niya, “This is why by the time I felt strong enough again to fight, I decided to remain looking the way I did and willed myself everyday with the thought that I can still be beautiful in my own physical terms not needing validation from others and mostly through trying to be a better person each day for myself, my family and friends, and our environment.” (Ronaline Avecilla)