Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karen, Korina walang giyera

0 446

NI: ARCHIE LIAO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Karen Davila sa matagal nang isyu ukol sa tensiyon sa pagitan nila ng kapwa niya journalist at news anchor na si Korina Sanchez.

Ito ay natalakay sa vlog ni Ogie Diaz na nagtrabaho rin sa pagbabalita.

Ayon kay Karen, hindi raw totoo na may bad blood na nangyari sa kanila sa misis ni Mar Roxas.

SM food to go Banner Ad

Naintriga lang daw sila dahil may mga pagkakataong pinagtatapat ang kanilang mga programa.

Paliwanag ni Karen, kapag nagkakasalubong daw sila ni Korina ay nagkakabatian naman umano sila.

Nilinaw rin niya na kailanman ay di sila nagpantay ni Korina dahil sikat na sikat na ito nang dumating siya sa ABS-CBN.

Hirit pa niya, sana ay nabigyan siya ng pagkakataon na mas makilala pa si Korina dahil marami umano ang nagsasabing loyal ito bilang isang kaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.