Abante Tonite Interactive

Karen modernong showgirl

509

Umaapaw sa kaseksihan ang Pinay-Australian beauty queen na si Karen Gallman.

Makikita ito sa kanyang Instagram post a couple of days ago habang naka-suot ng super-seksing attire. Mala-modernong showgirl ang kanyang arrive.

Dito’y masisilip din na bukod sa makurbang katawan, si Karen ay biniyayaan ng malulusog na boobs.

Grabe nga ang rehistro niya sa opposite sex, mainly dahil sa taglay niyang kariktan. Pati na rin ang malakas niyang sex appeal, lalo na sa mga kalalakihan ay winner talaga.

Si Karen na tubong Bohol ay nanirahan na sa Brisbane, Australia noong taong 2000. Siya ay may Bachelor’s degree sa Business Management major in International Business, sa University of Queensland.

Siya ay sumali sa Binibining Pilipinas 2018 at dito’y kinoronahan bilang Miss Intercontinental 2018. Ni-represent niya ang Pilipinas sa Miss Intercontinental 2018 pageant na ginanap sa Mall of Asia at napanalunan ang korona. Dahil dito, si Karen ang unang Filipina na nanalong Miss Intercontinental sa 47-year history ng naturang pageant.

Walang dudang scene-stealer si Karen dahil sa nakagigigil niyang porma na sadyang hahanap-hanapin ng bawat red blooded boys.

Sa mga kalalakihan na ang weakness ay boobsie chick, tiyak na isa si Karen sa laman ng pantasya ng maraming barako.

Havey na havey talaga ang kanyang porma sa opposite sex! Luluwa talaga ang mga mata ng mga kalalakihang mahilig sa mga hot babe na tulad ni Karen. (Nonie Nicasio)