Abante Tonite Interactive

Karen out, Lawin in

By
12

Lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Karen’ mamayang hapon, kasabay naman ng inaasahang pagpasok ng panibagong bagyo na may international name na ‘Haima’.

Sa severe weather bulletin #21 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong Karen ay nasa lokasyon na ng 260 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Iba, Zambales.

Tinanggal na rin ang lahat ng babala ng bagyo sa buong bansa dahil sa patuloy na pagkilos ng bagyo sa direksyon ng kanluran hilagang-kanluran.

Sa susunod na 24-oras, tatawid na ito sa labas ng Pilipinas o matatagpuan na ito sa layong 790 kilometro sa silangan ng Dagupan, City.

Samantala, sa pinakahuling update ng PAGASA-DOST, inaasahang papasok sa PAR ang tropical storm Haima na tatawaging bagyong ‘Lawin’ sa oras na makapasok ito sa bisinidad ng Pilipinas.

“The typhoon with international name Haina was located at 1,535 km East of Visayas. It is expected to enter the eastern boundary of PAR on Monday afternoon,” ayon sa PAGASA.