Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karera para sa Araw ng Maynila magbabalik

0 74

Matapos makansela noong nakaraang taon, magbabalik ngayong Hunyo 24 ang karera ng kabayo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-450 Foundation Day ng Lungsod ng Maynila.

Ayon kay House Committee on Metro Manila Development chairperson at Manila Rep. Manny Lopez, isasagawa ang karera sa Manila Jockey Club (San Lazaro) sa Carmona, Cavite.

“Kailangan nating pahalagahan ang ating mga tradisyon at ang ating kasaysayan kaya’t ako’y nagsumikap upang maganap itong espesyal na pagdiriwang na ito,” ani Lopez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siyam na karera ang isasagawa para sa Pista ng Maynila. Ang mga mananalo ay tatanggap ng tropeo at medalya bukod pa sa premyo.

Magugunitang noong 2020 ay nakansela ang karera bilang pag-iingat sa pandemyang COVID-19. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.