Abante Tonite Interactive

Karera sa Metro Turf kanselado

0 81

Kinansela ang naka-iskedyul na karera ng mga kabayo nitong Martes, Disyembre 3 sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ang pagpapaliban ay bunsod sa pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’. Naranasan ang maghapong ma­lakas na buhos ng ulan at hangin na nagpabaha rin sa maraming lugar, kabilang ang racetrack. (JP Gonzales)