Abante Tonite Interactive

Kargado pa ang bala ni Balkman puno ang tangke!

3,702

Pagkatapos ng kampeonato sa ABL noong April, may tsansa na naman si Renaldo Balkman na habulin ang pangalawa – sa PBA naman.

Pinatunayan din ng Puerto Rican sa kanyang mga doubter na kaya pa niyang maglaro sa pukpukang liga kahit lagpas 30 na. Noong July 14 ay nag-34 na si Balkman.

Noong isang taon, nagpahinga si Balkman nang abutin ng knee injury. Nakarekober, nag­laro sa ABL at kasama si Ginebra import Justin Brownlee ay inihatid ang Alab Pilipinas sa titulo.

May senaryo pang magduduelo sa finals ng PBA Commissioner’s Cup sina Balkman at Brownlee kapag tinalo ng Gins ang Rain or Shine sa hiwalay nilang semifinal series.

“People say ‘Oh, he might too old’ ‘coz I turned 34 this year but I still got it,” diin ni Balkman, tumapos ng 23 points at 16 rebounds sa 104-99 Game 4 win ng San Miguel Beer sa Aces na nagsara ng serye 3-1 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabalik sa laro, nakabalik din sa PBA matapos i-lift ang lifetime ban na ipinataw sa kanya noong 2013 nang magwala sa isang laro kontra – Alaska. Sa insidenteng iyon ay sinakal ni Balkman ang noo’y teammate sa Petron na si Arwind Santos. Magkakampi muli sila sa SMB.

“I got a lot left in my tank,” paniniguro ng 6-foot-8 import. “As you all can see on the court, I’m going to give my all every time.”