Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karibal ng Zirkoh, Klownz sarado na

0 700

Ikinalulungkot ni Vice Ganda ang nagyayari ngayon na nagsara na ang halos karamihan sa mga comedy bar at maraming komedyante ang nawalan ng trabaho.

Ang recent nga na nagsara ay ang Klownz and Zirkoh ni Allan K.

As we all know ay dating stand-up comedian si Vice Ganda sa mga comedy bars (Punchline at Laffline ) bago pa man siya naging artista.

Sa recent episode ng It’s Showtime ay may beking contestant na nagtatrabaho sa Music Box na isa ring comedy bar.

“Bukas pa?” tanong ni Vice.

Sey ng contestant, sa tingin daw niya ay hindi ito magsasara dahil owned daw ng may-ari ang establishment at hindi nagrerenta. Pero sa ngayon siyempre ay sarado ito dahil nga sa enhance community quarantine.

“Malaking pangsalba talaga ‘yun, eh, na hindi ka nagbabayad ng renta. At saka alam mo, nakakalungkot kasi sa sitwasyon ngayon, walang choice ‘yung mga comedy bars kungdi magsara.

“’Yung Zirkoh, ‘yung Klownz, nagsara na. ‘Yung Punchline at saka Laffline, nagsara na. Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho,” pahayag ni Vice.

Dagdag pa niya, “at saka ‘yung legacy ng comedy bar. Parang hindi ko ma-imagine na mawawala na totally ang comedy bars sa lipunan.”

Kaya natutuwa raw siya na bukas pa ang Music Box na aniya ay pioneer ng mga comedy bars.

Ibinalita nga rin ng TV host/comedian na sa ngayon daw ay may online show ang mga bakla sa Zirkoh.

“Meron silang ginawa. ‘yung Zirkohvery Channel, nag-guest nga ako du’n, nagpasalamat nga ako sa kanila kasi maganda ‘yung ginagawa nila dahil hindi man sila kumikita na katulad ng dati, serbiyo ‘yun, eh. ‘Yung pinapatawa nila ‘yung viewers online. Malaking bagay ‘yun ngayon na makapagbigay ka ng ngiti,” aniya pa.

May mga nakokolekta raw na donations ang nasabing online show at hinahati-hati raw ng mga bakla para maitulong sa mga staff ng comedy bars.

“’Yung mga waiters, ‘yung mga nasa valet, ‘yung mga cook, kasi lahat ‘yan, wala na, eh. Eh wala naman silang online show, kaya ‘yung mga bakla, tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ‘yung ibang staff,” sey pa ni Vice.

Allan K namatayan ng kambal na anak

Sa panayam kay Allan K ni Sandra Aguinaldo ng 24 Oras, aminado ang comedian/TV host na talagang masakit sa kanya ang pagsasara ng kanyang Klownz and Zirkoh comedy bar.

Nagdeklara ng bankruptcy si Allan sa naturang comedy bars since apat na buwan na nga itong sarado dahil sa COVID-19 at hindi niya raw alam kung hanggang kailan ganito ang sitwasyon.

“Kaysa naman lumaki nang lumaki ‘yung babayaran namin sa rental and iba pang expenses, eh better yet, isara na lang talaga,” saad ni Allan K.

Aniya ay para raw siyang namatayan ng kambal na anak sa pagsasara ng 2 niyang comedy bars.

“Malungkot, kasi naging bahagi na ng buhay ko ‘yan for 18 years. Gabi-gabi akong andodoon, nagpupuyat.

“Totoo palang talaga ‘yung dalawang mukha ng showbiz, ‘yung entertainment, isang masaya at isang malungkot. Pero this time ‘eto ‘yung pinakamahabang malungkot na mukha,” sabi pa niya.

Pero nagpahayag din naman si Allan K. na kapag okay na ang lahat ay gusto pa rin niyang magtayo ng comedy bar.

“Pagkatapos nitong pandemya na ito, eh pwede naman sigurong magbukas ulit ng bagong comedy bar because ito talaga ang gusto ko, eh. Ito talaga ‘yung negosyong alam na alam ko patakbuhin kahit nakapikit ako,” sey pa ni Allan K.

Leave A Reply

Your email address will not be published.