Abante Tonite Interactive

Karibalang San Miguel, TNT tuloy sa Super League

357

‘Di natapos sa PBA Commissioner’s Cup Finals ang bakbakan ng San Miguel Beer at TNT KaTropa, itutuloy ang karibalan sa East Asia Super League.

Mula sa PBA, kasama ng Beermen at KaTropa ang Blackwater Elite na darayo sa Macau para sa 12-team tournament sa susunod na buwan.

Tinalo ng SMB ang TNT sa anim na laro para itaas ang korona ng midseason conference.

Wala lang sa Sept. 17-22 tourney sa Macau sina June Mar Fajardo ng SMB, at sina Troy Rosario at RR Pogoy ng TNT na kasama sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa China, katatapos lang nun ng FIBA World Cup.

Tatlong clubs mula Chinese Basketball Association, apat mula B-League ng Japan, at dalawa mula Korean Basketball League ang magbubuno sa Tap Seac Multisports Pavilion.

Mula China ang Liaoning Flying Leopards, Shenzen Aviators at Zhejiang Guangsha Lions. Mula Japan ang Chiba Jets, Niigata Albirex, Ryukyu Golden Kings at Utsunomiya Brex. Galing Korea ang Jeonju KCC Egis at Seoul SK Knights.

Kabuuang 16 matches ang ilalaro sa tatlong stages.

Sa group stage, hahatiin ang teams sa apat na grupo na may tigatlong koponan, tigalawang salang bawat isa. Abante sa semifinals ang top team ng bawat grupo.

(VE)