Abante Tonite Interactive

Karinderia ni Nathalie kinain ni Xian

By
0 2,588

KUNG may isang Pinoy movie na dapat panoorin ngayong Valentine at siguradong hindi magpapakabog at magpapalupig sa isang Hollywood movie, ito ay ang Gino Santos’ Sin Island.

Bakit kaniyo? Sabi nga ni Sir Pablo Tariman, isang seasoned film critic, “Sin Island is a first rate erotic thriller. It laid bare sensuality for what it is and done in excellent good taste. Bravo!

At sino ang pinaka-erotic sa tatlong bida? Siyempre pa, ang Millennial Bomba Queen, si Nathalie Hart. Parang dahil sa mahusay niyang pagganap bilang Tariman, mawawala na siya sa Lavinia Arguelles You’ll Never Make It List, huh!

Ang daming ibinuyangyang ni Hart sa pelikula. Unang eksena niya pa lang, hubo’t hubad na ang hitad habang nagyo-yoga sa beach! Ipinakita niya rin ang kanyang mga suso. Ipinamalas niya ang husay niya sa pagdila at pakikipaglaplapan. Pati na rin na cinematic fellatio. Umiibabaw. Mapusok at eksenadora.

Ipinamalas rin ni Nathalie na hindi pala siya magpapakabog sa aktingan­.

She played her character perfectly, ‘yung sojo (sosyal na jologs) na slutty na pangmalakasan kung magmahal.

Death by orgasm ang binibigay ng katauhan niya at sa pagganap ni Hart, buong tapang na ipinakita niya ang boldness at brazenness niya pero may mga emotional shifts siya nakaka­bigla, huh! Meron pala siya nun, kaya niya palang maging sexual predator pero underneath her exterior is a clingy, needy, vulnerable and unstable woman.

At one point you hate her, and at another point, mauunawaan mo siya.

Itong a ‘star is born’ role ni Nathalie, bongga agad ang ibinunga. May pelikula na agad siyang kasama sina Empoy at Zanjoe Marudo na pang general patronage raw ang target kasi comedy­ at isang drama na ang kapareha niya naman ay si Diether Ocampo. O, ‘di ba, estrellang-estrella na siya, agad-agad!

***

BILANG leading man, nakakatuwa na finally, Xian Lim went out of his comfort zone, ngayon lang ako nakumbinsi na binata na pala talaga siya, ibinalad talaga sa pelikula ang kanyang katawang pang-romansa.

Ang likod niya, firm and muscular. Ang dibdib niya, panalo ang form at adorned with the most suck worthy set of nipples, at hindi sila brownish, huh! Handsomely photographed si Lim at ano ba, pati kili-kili niya, parang ang ba­ngo at kay sarap-sarap singhutin at dilaan.

He delivered the sensuality na required sa kanya. Ang mga sexua­l congress scenes niya kay Coleen Garcia, dama mo ang tenderness, respeto at love.

‘Pag si Nathalie na ang kaeksena niya, steamy, smolde­ring at talagang walang keber si Xian, nakikisabay sa palaban na si Hart, huh!

Mauunawaan mo kung bakit ganun karubdob ang pagnanasa nung katauhan ni Nathalie kay David, kasi masarap siya. Sa sobrang sarap ni Xian, talagang binuhusan niya ang dibdib at mga utong ng pancake syrup, dinila-dilaan hanggang sa may drama kunyaring may I fellate niya si Lim. Gumanti rin si Xian, kinain-kain ang kanyang karinderia. Hahahaha.

Marami ang tiyak na magugulat sa pagiging mapangahas ni Xian. At hindi matatawaran ang emotional commitment niya sa kanyang katauhang si David, sa totoo lang.

***

SI Coleen Garcia, ang favorite muse ni Direk Gino Santos as always, was divine to watch bilang Kanika. Una, blissful at happy, then confused and conflicted, pero ang resolve, ilalaban ang kanyang forever.

Panalo pa sila ni Xian ‘pag nag-iinglesan, super alta ang pronunciation at enunciation. Lahat nauunawaan mo, at ‘pag nagmumurahan sila, hindi ka offended, hindi ka nababastusan.

May girl/woman vibe si Garcia and when pitted against Nathalie, panalo ang contrast, ibang klase ang pussy wars that they waged sa gorgeously photographed na pelikula na talaga namang isang cautionary tale.

May apat na eksenang pinalakpakan sa preview at may isang moment na para kay Coleen talaga ang masigabong palakpakan.

Best gift ni Garcia si Kanika sa kanyang mga fans at kay Billy Crawford na super supportive sa kanyang wife to be. Kitang-kita mo ang pride sa mukha ni Crawford dahil mainam at mahusay si Coleen sa 3rd collaboration niya kay Direk Gino Santos.

Panoorin, ‘wag palagpasin ang Sin Island. Pelikulang Filipino ang tangkilikin natin.