Abante Tonite Interactive

Karinyo brutal sa 15-anyos

20

Sugatan ang isang dalagita nang manlaban sa hindi pa nakikilalang lalaki matapos siyang halayin kamakalawa ng umaga sa Makati City.

Patuloy na ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na itinago sa pa­ngalang “Lani” 15, nakatira sa Brgy. Southside ng naturang lungsod, sanhi ng mga tinamong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at sinasabing dumudugo pa ang ari nito nang isugod sa ospital.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 71610 at attempted homicide sakaling masukol.

Abante Hiring – IT dep

Ayon report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa Brgy. Southside ng naturang siyudad.

Napag-alaman sa ina ng dalagita na nakatanggap siya ng tawag mula sa kanilang landlady na ang kanyang anak ay nasa ospital, dahil ginahasa diumano ito at tinangkang patayin.

Ang biktima ay natagpuang duguan sa ng kaibigan nito na nakilalang si Angelo Dela Cruz, 19, taga no. 729 Fox St., ng naturang barangay nang pasyalan ang dalagita.

Sa pahayag ni Dela Cruz, sinabi nito na nagpunta siya sa bahay ng biktima at dito niya nadiskubreng duguan at walang malay dahilan upang magsisigaw at humingi ito ng tulong sa mga kapitbahay ng una.

Sinaklolohan naman ng mga kapitbahay ang biktima at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay at dali-dali itong dinala sa ospital ng mga rescue team.

Sinabi pa ni Dela Cruz na bago ang insidente, alas-5:30 ng umaga ay nasa bahay siya ng biktima at sandaling umawi dahil may kukunin ito.

Pagkalipas ng 30 minuto, pagbalik sa bahay ng biktima ay naabutan niya na duguan ang dalagita at walang malay.

Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng pahayag ang biktima hinggil sa nangyari sa kanya habang ito ay nilalapatan pa ng