Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karisma ni Pacman

0 278

Anuman ang pamumuna na inilulutang ngayon ng mga grupong insecure sa sinasabing presidential ambition ni Sen. Manny Pacquiao, hindi nila maikakaila na super lakas ang karisma ng Pambansang Kamao kaya namang kayang-kaya nitong makipag-usap sa sinumang tao sa lipunan kabilang na ang mga international celebrities at world leaders.

Nakuha kasi ni Pacman ang respeto ng international community dahil mula sa kanyang dukhang pinagmulan ay napakarami nitong napagtagumpayan mula sa paghawak ng walong dibisyon sa mundo ng boksing, pagkakawanggawa, pagiging mambabatas, mahusay na intrepreneur, pamumuhay Kristiyano, at higit sa lahat ay pagiging isang mabuting padre de pamilya sa kanyang maybahay at limang anak.

Hindi madaling kunin ang respeto dahil hindi ito nabibili at hindi nakukuha dahil sa kasikatan lamang. Napakarami namang sumikat na boksingero na naging kasing yaman o maaaring mas yumaman pa kay Pacquiao pero hindi nila nakamit ang paghanga at pagkilala sa labas ng kanilang propesyon. Karamihan sa mga boxers na ito ay sikat lamang at respetado pagdating sa kanilang propesyon bilang boksingero pero sa ibang aspeto ay wala na.

Kaya nga ibang-iba pa rin ang karisma ng isang Manny Pacquiao dahil meron siyang global status na nagbibigay-daan sa kanya para kausapin ang mga lider ng ibang bansa nang hindi dumadaan sa burukrasya.

SM food to go Banner Ad

Kaya ni Pacquiao na lambingin ang mga world leader dahil sa karisma niya at sa respeto sa kanya. Kaya nga marami ang nagsasabi na: when Pacquiao speaks, the world listens. Isang magandang halimbawa rito ang mapapaagang delivery ng COVID vaccines na mula sa Amerika. Maaaring hindi alam ng lahat pero personal na sumulat si Pacquiao kay newly elected US President Joe Biden para iapela na mabigyan na ng bakuna ang Pilipinas.

Paano nga ba nakuha ng isang anak-mahirap at isang kahig, isang tuka lamang na tulad ni Pacquiao ang respeto ng mundo? Wala siyang edukasyon hindi gaya ng mga pulitikong ipinanganak nang may gintong kutsara sa bibig. Wala siyang angkan na konektado sa mundo ng pulitika. Siya lamang ang kauna-unahang Pacquiao na sumikat sa buong mundo. At ang pagsikat na ito ay dahil sa kanyang pagsusumikap, pagtitiis at higit sa lahat dahil ipinakita niyang may puso ang kanyang mga pagpupursige. Sa boksing, nakilala muna si Pacquiao na nakasuot ng rosary at nagdadasal bago lumaban at nang maging Christian ay hindi niya ikinahiyang magdala ng bibliya at magpakalat ng mga salita ng Diyos. Bagama’t tulad ng mga yumaman, natukso rin si Pacquiao na magbuhay-hari ay hindi naman ito nagtagal dahil ipinakita niyang kaya niyang magbago at maging isang mabuting halimbawa ayon sa kanyang pananampalataya.

Higit sa lahat, ipinakita ni Pacquiao na hindi masamang mag-ambisyon kahit gaano kahit kahirap. Ipinakita niya at pinatunayan sa lahat na meron siyang determinasyon at dedikasyon na siyang naghatid sa kanya ng tagumpay.

Gamit ang puso at ang taglay na karisma, malayong-malayo na nga ang narating ni Manny Pacquiao kaya naman itinuturing siyang tinik sa dibdib ng mga presidential hopeful para sa nalalapit na bakbakan sa elektoral sa taong 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.