Abante Tonite Interactive

Karla kinilig sa Valentine message ng dyowa

1,060

Kilig-kiligan si Karla Estrada sa Valentine message ng kanyang partner na si Jam Ignacio na inere kahapon sa Magandang Buhay.

Pinag-uusapan ng mga tatlong hosts na sina Karla, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang selebrasyon nila ngayong Araw ng Mga Puso at siyempre, kinunan ng staff ng mensahe ang kani-kanilang partners.

Pinaka-kilig siyempre ang mensahe ni Jam for Karla since bago pa lang ang relasyon ng dalawa.

“Hi love, lagi mo lang tatandaan, love, na andito lang ako palagi para sa ‘yo. Kasi it feels right when I’m with you. Sweet ‘yon. Saka alam ko naman na matapat ka naman palagi para sa akin, eh. I love you,” mensahe ni Jam.

Habang nagbibigay ng mensahe ang Papa Jam ni Karla ay makikitang kinikilig ang nanay ni Daniel Padilla. Panay rin ang kantyaw sa kanya ng dalawang co-hosts na kinikilig din.

Kantyaw ni Jolens, pulang-pula raw si Karla at nanliliit.

Nag-I love you back naman si Karla kay Jam na lalong ikinakilig nina Jolens at Melai.

Ito ang first Valentine nina Karla at Jam dahil matatandaang last year lang naman sila nagkaroon ng relasyon. Ayon sa TV host, ang BF daw ang nagplano ng kanilang special day today.

“Siya nagplano. Surprise pa raw. Nakapiring ako. Actually, first Valentine ko na surprise,” sey ni Karla.

Tanong ni Jolens, “kinakabahan ka ba?”

Sagot naman ni Karla, “oo. Hindi ko pipigilan ‘tong mga nararamdaman na ‘to. Baka sakaling hindi na ‘to bumalik, eh. Damhin natin. Nadarama nga natin ‘yung kalungkutan ba’t di natin namnamin ang kasayahan, di ba?”

Happy naman ang dalawang hosts para kay Momshie Karla na sa totoo lang ay blooming na blooming ngayon at halatang in-love.

Angelica 28 taon binuhay ng ABS-CBN

Tulad din ng ibang ABS-CBN stars, nagpahayag din ng kanyang suporta si Angelica Panganiban sa kanyang home network. Aniya sa kanyang Instagram post ay 28 taon daw siyang binuhay ng Kapamilya station at marami siyang natutunan dito.

“28 years akong binuhay ng ABSCBN, natuto akong magkaroon ng mabuting puso at unahin ang kaligayahan ng bawat pilipino, saan mang sulok ng mundo.

“Natuto akong magbigay ng sigla sa ating mga kababayan. Wala akong ibang natutunan kung hindi ang pagiging mabuting tao. Dahil ‘yon ang puso ng kumpanyang kinalalagyan ko magmula pa noong bata ako. Nabigyan ng magandang kabuhayan ang pamilya ko.

“Nagkaroon ng mga kaibigan na matatawag kong pamilya pang habang buhay.
“Ano ang mararamdaman mo kung isang araw, pag bukas mo ng telebisyon, wala na ang channel 2? Wala ng “showtime”, wala ng “probinsyano” wala ng TV patrol?

“Hindi na natin mapapanood si ate sarah sa ASAP. Ang mga paborito nating love teams na nagpapawala ng lungkot nating mga single? Yung, gandang gabi vice na kasama natin bago tayo matulog, dahil gusto nating matulog ng nakangiti?

“Ilan pa lang ito sa mga programa at serbisyo na binibigay satin ng ABSCBN. Ano ang gagawin mo? Ano ang mararamdaman mo kapag isinara ang channel 2?” ang post ni Angelica using the hashtag, #wagisaraangabscbn.

Bukod dito, halos araw-araw ay may post si Angelica gamit ang nasabing hashtag. Inirepost din niya ang mahabang post ni direk Laurenti Dyogi na isa rin sa respetadong direktor sa ABS-CBN.

DI DAW NAGBABAYAD NG BUWIS. Ako bilang mamamayan at empleyado ng ABSCBN, malaking bahagi ng sahod ko ang napupunta sa gobyerno buwan buwan. Bawat isang empleyado namin ay nagbabayad ng tamang buwis dahil ang kumpanya mismo namin ay nagbabayad ng tamang buwis.

“Walang utang ang ABS kasi kung meron ba’t walang reklamo ang BIR? Ba’t binigyan ng parangal na isa sa top taxpayer ng bansa?

“Pero sa reklamo ng BIR na ang mga POGO, 50 bilyong piso ang kulang na buwis, ba’t walang umaalma?

“PAG-AARI NG DAYUHAN. Sana alamin ng mabuti ang detalye ng PDRs bago manghusga dahil dumaan ito sa tamang proseso at aprobado ng SEC. Bakit ang mga POGO, di ba’t buong buo na pag aari ng mga dayuhan? Ba’t walang naririnig na reklamo? Bakit kung sino pa yung kababayan, syang ginigipit?” bahagi ng mahabang post ni Direk Laurenti.