Abante Tonite Interactive

Karla, nagmumura ang mga alahas

11

NAGMUMURA ang mga alahas ni Karla Estrada sa morning show nila na Magandang Buhay kumpara sa simple-simplehang si Jolina at ang no-alahas-look ni Melai.

***

Halos magkamukha sina Zeus Collins at Tom Rodriguez sa burger commercial ng huli.

Parang hayok kasi sa burger ang storyboard na akala ng nakapanood ng ad ay mukha ni Zeus ang naroon na laging hayok tingnan.

Later na lang malalaman na si Tom pala ‘yun.

***

Magsisimula ang weekly comedy series na Conan My Beautician sa Hunyo 26 (Linggo) nang 5:00 PM sa GMA 7.

Sa istorya, si Conan (Mark Herras) ay ma­galing na beautician ng Salon Paz.

Nagpanggap si Conan na siya ay bakla upang makapagtrabaho.

Kailangan niya ng trabaho para matustusan ang kanyang ina na nasa ospital at upang maitaguyod ang kanyang pa­milya matapos silang palayasin sa kanilang lugar ni Chika La Chaka (Cacai Bautista).

Inayusan ni Conan si Ava (Megan Young), isang babaeng nakatakda nang ikasal.

Ang mga co-beautician ni Conan sa Salon Paz ay sina Greg “The Paminta” (Jerald Napoles), Mimi “The Hugot Queen” (Betong Sumaya), Debbie “The Babaeng Bakla” (Boobsie) at Pia “The Kontesera” (Tetay).

Makikisaya rin sa comedy series sina Lotlot de Leon, Jay Manalo, ang YouTube Sensation na si Balang, Chlaui Malayao (mula sa Little Nanay), Vangie Labalan at Antonette Garcia.

***

Tuwang-tuwa ang Kapuso actor na si Ken Chan dahil mayroon siyang gagawing pelikula ngayong taon.

Ani Ken, “Makakasama ako sa isang mabigat na movie na talagang kakaabangan ng lahat.

“Abangan n’yo kung anong movie ‘yun at tuwang tuwa at nagulat ako na napasama ako sa mo­vie na to.

“Basta sa pelikulang ito, may forever.”

***

Naungusan ni Vin Abrenica ang kapatid niyang si Aljur.

May espesyal na MMK episode si Vin at very revealing guestings sa GGV at Tonight With Boy Abunda.

Si Vin din ang puma­lit sa kapatid nito bilang bida ng Moonlight Over Baler na intended for the MMFF. (Abante TONITE Entertainment Staff)