Abante Tonite Interactive

Karla nasarapan sa pagmamahal ni Kathryn kay Daniel

0 432

Natanong si Karla Estrada sa “Magandang Buhay” ng kanyang mga co-host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kung ano ang reaksyon niya sa napakawagas na mensahe ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa Instagram kamakailan.

Ayon kay Karla, siyempre, bilang ina ay masarap daw na maraming nagmamahal sa kanyang anak at nagpasalamat kay Kathryn sa pagmamahal na ibinibigay kay Daniel.

“Siyempre, ako, bilang nanay, masarap na maraming nagmamahal sa anak mo di ba? Kasi, gusto mo ba na kokonti lang? It’s always a good feeling na kung masaya ang anak ko, masaya rin ako, siyempre.

“And of course, thank you Kathryn for loving Daniel that much, and not just Kathryn, the entire Bernardo family. Sina Tita Min (nanay ni Kathryn), ramdam ko talaga ang pagmamahal nila kay DJ, at siyempre, ang mga kapatid din ni Kathryn, nakikita naman natin ‘yun. And sa pamilya din namin, ganu’n din ‘yun,” he said.

Maging sina Melai at Jolina ay nagsabing kinilig sila sa buong caption ni Kathryn sa IG.

“Nadala ako talaga sa buong caption na ‘yan, very well said, napaka-sweet,” sey ni Jolens.

Sabi naman ni Melai, “naramdaman talaga natin ang puso ni Kath, at ang pinaka-the best pang sinabi, ‘yung pinakahuli – ‘your success is mine, and my success is yours’.”

Kaori willing na third party ng JaDine

Ang lakas ng hatak sa fans ng baguhang teen star na si Kaori Oinuma na matatandang batch finalist ng “PBB Otso”. Kasama siya sa weekend drama series ng ABS-CBN na “Parasite Island” at sinasabing isa sa itinuturong dahilan kung bakit mataas ang pilot episode ng show last Sunday ay dahil nanood ang kanyang mga fan.

Nag-trending din sa Twitter ang pilot episode and in fairness, puro fans ni Kaori ang nagti-tweet that day which means marami talaga siyang supporters.

Maging ang lead actor nga ng serye na si Rafael Rosell ay nagpasalamat sa fans ni Kaori at ina-acknowledge ng aktor na marami talagang fans ang teener.

Anyway, sobrang thankful ni Kaori na after “PBB Otso”, heto’t nabigyan siya agad ng drama series.

“Sobrang thankful po ako sa Dreamscape, sa ABS-CBN kasi, nabigyan po ako ng opportunity na matupad ang pangarap ko,” sey ni Kaori sa presscon.

Sa “Parasite Island” ay si Hashtag Paulo Angeles ang kapareha niya at okay naman daw ang kanilang working relationship nila kahit first time nilang magkasama.

Sobrang ipinagpapasalamat din ni Kaori ang mga natutunan niya sa Bahay ni Kuya at ang lahat ng payo ni Big Brother at ito raw ang bitbit-bitbit niya ngayon sa labas at sa kanyang pag-aartista.

Hindi raw niya makakalimutan na sinabihan siya ni Kuya na malayo ang mararating niya dahil sa kanyang pagiging positibo kaya naman lalo siyang nagkakaroon ng lakas ng loob.

Natanong din si Kaori kung sino pa ang mga aktor na gusto niyang makatrabaho at aniya ay marami raw. When asked kung gusto ba niya si James Reid na makasama, aniya, “sige, bakit hindi, James Reid ‘yun!”

So, willing siyang maging third party sa JaDine?

Napasigaw na lang ng “Ayy!” si Kaori at napasagot ng “naku po!”

Jennylyn hinintay ni Dingdong?

Hanggang bukas (Friday) na lang ang “Love You Two” at hindi pa ina-announce kung ano ang next project ni Jennylyn Mercado. Ang ingay ng balitang siya talaga ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun” at kaya umano natatagalan ang announcement ay hinihintay pa munang matapos itong LYT.

Well, pasasaan ba’t matatapos na rin ang waiting game dahil kapag natapos ang LYT, for sure naman ay ia-announce na agad kung si Jen ba talaga o hindi ang gaganap na Dra. Kang/Beauty sa DOTS.

Samantala, mukhang masayang magtatapos ang LYT dahil sa YouTube vlog ng lead actor na si Gabby Concepcion sa last taping day ay makikitang wedding scene ang kinukunan at naka-bihis pangkasal ang lahat ng cast.

Kaya tutukan ang pagtatapos ng LYT bukas, Friday, sa GMA Telebabad.