Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karla OA sa pagmamagaling

0 134

May nudist beaches sa ibang bansa, pero wala tayong nababalitaang dahil walang saplot ang mga babae dito, sila ay binabastos at tila inahahain nila ang kanilang mga sarili sa kung ano mang panganib.

Bukas na aklat naman na hanggang sa ngayon, may ilang komunidad kultural na ang mga kababaihan, malayang naipapakita sa lahat ang kanilang mga dibdib, wala itong isinusuot na kahit na anong saplot para tabingan ang kanilang mga suso . Pero,wala ring balita na sila ay pinagsasamantalahan o binababoy ng mga kalalakihan sa kanilang lugar.

Kaya, wala sa sinusuot ng mga babae ang dahilan para sila ay bastusin, sipulan, o kaya pagtangkain o garapalang halayin.

Kahit pa turtle neck at mahabang paldang floor length ang ipasuot mo sa babae, ang lalaking buktot ang pag-iisip at may kung anong demonyong sumasapi sa kanyang katawan . Siya ang dapat sisihin pag ito ay may gagawing karumal-dumal.

Hindi ba’t may mga balita pa ngang mga paslit, o di kaya ay sanggol, ay winawalanghiya ng mga lalaking hindi matino ang kaisipan.

Kaya nga, unawang-unawa ko kung bakit marami ang kumasa at hindi makapaniwala sa kuda ni Karla Estrada. Ipinapahiwatig niya sa mga manood na dapat ayusin ng mga babae ang kanilang itsura at pananamit kung ayaw nilang sila ay mabastos.

Juice colored! Ano ba ang nakalipas ni Aling Estrada? Sexy starlet lamang siya noon sa ilang pelikulang walang nakakatanda at all. Yung totoo, ano ang favorite Karla Estrada sexy flick niyo my dear Tonite readers? Sa true lang. wala nga siyang significant body of work, o kahit na anong memorable role na tumatak.

Sumali pa nga iyan sa isang singing contest hindi ba at ni isang hurado, walang umikot tapos kung makakuda tungkol sa kung paano dapat kumilos at manamit ang isang babae.daig pa ang expertise ng isang madre superyora sa isang exclusive all girls Catholic school, huh!

Ang biggest contribution at claim to fame mo Aling Karla ay si Daniel Padilla. Thank you very ,much kay God at sa pwersa ng sansinukob na may taglay na swerte si DJ .Nagkataong marunong umarte at maayos ang pagpapalakad sa kanyang karera.

Kaya kahit hindi bagay sa iyo, binansagan kang ‘Queen Mother’ noong si Padilla ay Teen King ang tawag.

Queen Mother my foot. Nasobrahan naman yata sa pagmamagaling at pagmamaganda huh. Tumingin naman sa salamin paminsan-minsan at lunaklak ng mainit na barakong kape para magka-nerbiyos.

**

Teejay game sa kapwa lalaki

Pinanood namin ang bagong BL drama mula sa Regal Films ang “Ben X Jim” .Ang masasabi ko lang, maayos naman ang panimula nito.

Sobrang kinis at puti pala nitong si Teejay Marquez, huh! Sa true lang, mukha siyang Haponesa. Bagay sa kanya ang katauhan ang isang baklang landing lubog na excited na sa pagbabalik sa kanilang lugar ng kanyang childhood friend.

Soft to look at and very feminine ang energies that emanate from Marquez’s character, si Ben.

Ang ganda ng rehistro niya sa screen at si Marquez talaga ang bidang-bida sa episode 1 kasi nga si Jim, ang katauhan ni Jerome Ponce, sa last segment na lang sumulpot.

In fairness, bagay ang feminine vibe ni Teejay sa masculine arrive ni Jerome.

Sana marami pa ang manonood at naway makatulong sa BL dramang ito ang payanig ni Marquez na bukas ang kanyang karinderia sa relasyong man to man .Nanalig kasi siya sa katotohanang loves knows no gender and you just love what the heart tells you to love.

Ang progressive, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.