Abante Tonite Interactive

Karma kay Mananabit

By
1,369

Kapag sabungero may isang salita, gaya sa sabungan ‘pag nagpustahan sa trabisya kahit malayo, senyasan lang ay nagkakaintindihan na at ‘pag natalo ay kusa itong ibibigay kahit walang pirmahan.

Kaya ko nasabi ito ay may nabasa ako sa website na naloko daw siya ng kanyang katransakyon, kumbaga sa sabungan ay sinabitan daw siya.

Taga-Abra si klasmeyt Dondon Arquero, ipinadala nito ‘yung brand new na tari niya kay Calixto Francisco na taga-Nueva Ecija kapalit ng manok panabong. Subalit halos dalawang linggo na ay hindi pa ipinapadala kay Dondon ‘yung manok.

Mga klasmeyt ilang ulit ko nang sinasabi dito sa Dalusapi na mag-ingat palagi sa mga katransakyon niyo. Kung hindi na maipapadala ‘yung manok ay maging aral na lang sa iyo ‘yan…para naman kay ‘Mananabit’ naku mag-isip-isip ka na baka makarma ka, hindi mo mapakinabangan ‘yang mga tari, puwedeng hindi makatikim ng panalo yang tari na dinugas mo.
***
Kahapon nilarga ang 5-Cock Circuit Derby na ginanap sa Sta. Monica Cockpit Arena sa Novaliches, Quezon City. Inabot din ng mahigit 90 na sultada. Balikatan ang regla, liyamado sa Meron ang unang dalawang sultada, tapos ay dalawang sunod na dehado naman sa Wala ang nanalo. Tagumpay ulit ang mga liyamado dahil nakadalawang panalo ulit sila pero sa mga dehadista naman ang fight Nos. 7 at 8.
***
Sa mga klasmeyt natin na paboritong maglaban sa Mandaluyong Cockpit sana magpanalo kayo sa Linggo at huwag makalimot sa piktyuran hehehe…Good Luck!