Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karnap SUV buking sa GPS

0 52

Naibalik sa may-ari ang ìsang Sports Utility Vehicle (SUV) Nissan Terra dahil sa tracking device na “GPS” matapos abandonahin ng mga di nakilalang suspek nang maalarma at habulin ng mga nagpapatrulyang pulis kamakalawa ng gabi sa Daang Bakal St.,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Christian Balais, ng Manila Police District – Police Station 7, alas-10:05 ng gabi nang makita ang SUV na may conduction plate na F1 J867.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsasagawa umano ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng PS7 sa may Yuseco St., Tondo nang maalarma sa mabilis na pagpapaandar sa SUV.

Hinabol umano ng mga pulis ang SUV sa Daang Bakal at dito nakita na inabandona ang sasakyan.

Na-track din Task Force Limbas ang may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng GPS. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.