Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karnaper buking habang kinakatay motorsiklo

0 421

Arestado ang isang 26 anyos na carnapper nang maaktuhan ng isang barangay EX-O na binabaklas ang tinangay na motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10883kilala bilang New Anti-Carnapping Act of 2016, ang suspek na si Mark Anthony Mantulac, miyembro ng Batang City Jail at taga No. 39 Lilac St., Fairview, QC.

Nalaman na nagpapatrulya umano ang mga Barangay Tanod nang makita.ang suspek dakong alas 12 ng tanghali na binabaklas ang isang kulay pula na Honda RS, na may plate number 8429 – TO sa isang bakanteng lote malapit.sa at Filinvest Condominium, Anonas St., Sta Mesa.

Nang sitahin ang suspek at hanapin ang mga papeles ay wala itong maipakita kaya binitbit sa presinto.

Inialarma naman ang motorsiklo at ilang oras pa ay sumulpot na ang biktima na si Elena Begasa,44 at taga No. 65 Ilang-ilang St., Pingkian II, Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa biktima nakaparada ang motorsiklo malapit sa kanilang bahay nang mawala dakong alas 7 ng umaga kaya kaagad niya itong inireport sa pulisya.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.