Abante Tonite Interactive

Karne galing Japan ipinagbawal

By
157

Nagpatupad kahapon ng importation ban ang Department of Agriculture (DA) sa mga karne at iba pang produkto nito na galing Japan dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ipinahayag ni Agri­culture Secretary ­Manny Piñol sa kanyang Facebook page na inalerto niya ang Bureau of Animal Industry (BAI) partikular si Undersecretary for Policy and Planning Segfredo Serrano na agarang ipatupad ang pagbabawal sa pagpasok ng mga karne at iba pang produkto nito na galing Japan kasunod ng mga ulat ng pagkalat ng African Swine Fever sa natu­rang bansa.

Maglalabas din umano ng pormal na direktiba si Piñol habang kinukumpirma ng mga quarantine official ang mga ulat sa World Animal Health Organization.

Batay aniya sa ulat, apat na magkakahiwalay na kaso ng ASF ­virus gen ang natukoy sa ­Japan noong Enero 12 at 16, partikular sa Chubu Airport sa Aichi Prefecture at Haneda Airport sa Tokyo.