Abante Tonite Interactive

Karne ng Hong Kong hinigpitan sa African Swine Fever

305

Inutos ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Bureau of Animal Industry (BAI) na higpitan ang pagpasok ng mga kar­neng galing Hong Kong kasunod ng mga ulat na may outbreak ng African Swine Fever sa nasabing Chinese territory.

Pinatutukan din ng kalihim ang mga pasa­herong galing Hong Kong na magdadala ng karne at iba pang agricultural poroduct na walang kaukulang permit partikular ang mga galing sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.

Babala ni Piñol na maaaring mapatawan ng multa na nagkakahalaga ng hanggang P200,000 ang mga mahuhuling may dalang karne ga­ling sa mga bansang apektado ng naturang sakit sa baboy.

Una nang iniulat na susunugin ng Hong Kong ang nasa 6,000 mga baboy matapos madiskubre ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever sa isang katayan nito na malapit sa border ng mainland China.

Ang China ang pinakamalaking pork producer sa buong mundo, batay sa US Department of Agriculture. (PNA)