Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karne siniksik sa pantalon ng S&R promodizer

0 519

ARESTADO ang isang promodizer sa isang kilalang tindahan nang nabuking ang mga hilaw na karne na naka-umbok sa kanyang pantalon sa Imus City, Cavite Sabado ng hapon.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Reegene Delos Santos Barqui, 31, promodizer ng S&R Memmbership Shopping dahil sa reklamo ni Gayzel Mae Del Rosario, sales front manger.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Imus City Police, alas-3:00 kamakalawa ng hapon, palabas na sa S&R Membership Shopping sa Brgy Anabu 1D, Imus City, ang suspek para mag-break nang mapansin ni Leonila Vargas, isang lady guard ang nakaumbok sa pantalon ni Barqui.

Nang kapkapan, bumulaga ang mga hilaw na pigue ng baboy na nagkakahalagang P606 na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara

Leave A Reply

Your email address will not be published.