Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karneng baboy sumirit sa P400 kada kilo

0 86

Posibleng hindi muna mamantikaan ang mga labi ng karamihang mamimili na kapos sa budget makaraang sumirit sa P400 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy sa National Capital Region (NCR).

Bade sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), P380 ang bawat kilo ng liempo sa mga pamilihan tulad sa Pasig Mega Market, Muntinlupa Public Market, Las Piñas Market, Pasay City Market, Marikina Public Market at San Andres Market sa Maynila.

Pumalo naman sa P400 ang kada kilo ng baboy sa Mega QMart sa Edsa, Quezon City habang nasa P340 ito sa Quinta Public Market sa Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, ang pagmahal ng presyo ng karneng baboy ay bunsod pa rin ng kakapusan ng suplay dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Upang matulungan ang mga mamimili na magkaroon ng murang presyo ng karneng baboy, naglagay aniya ang DA ng mga Kadiwa Booth sa mga pamilihan, kung saan umaabot lamang sa P240 ang bawat kilo ng liempo dito.

Hinikayat din ng kalihim ang mga mamimili na subukang magtungo sa mga supermarket dahil ‘di hamak na mas mababa aniya ang presyo ng baboy sapagkat nakukuha ito sa mababang presyo mula sa mga hog raiser.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.