Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karneng baka ng UK binawal sa mad cow disease

0 44

Ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng karneng baka at iba pang produkto nito na gawa sa United Kingdom dahil sa outbreak ng bovine spongiform encephalopathy (BSE) na mas kilala bilang mad cow disease.

Ayon sa Memorandum Order No. 60 na pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar, nag-umpisa ang outbreak sa UK noong Setyember 17, 2021 at ini-report ito sa World Organization for Animal Health.

Pinirmahan ni Dar ang memo nitong Oktubre 4, o halos tatlong linggo pagkatapos pinabatid ng UK sa buong mundo ang outbreak ng BSE.

Sabi ni Dar, suspendido muna ang pagproseso ng DA ng mga aplikasyon para sa sanitary phytosanitary import clearance o permit sa pag-angkat ng karneng baka at mga produkto nito na galing sa UK ngunit papayagan nito ang pagpasok sa bansa ng mga meat product mula sa baka na kinatay bago sumapit ang Agosto 31, 2021.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.