Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karpintero kinatay habang natutulog

0 116

Patay ang isang karpintero matapos na pagtatagain ng kanyang kasamahan sa construction gamit ang jungle bolo habang natutulog sa loob ng kanilang barracks sa Brgy. Sto. Domingo, Jones, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Jones Police Station ang biktima na si Lordwin Tubay, 21-anyos, karpintero at taga-Brgy. 2 sa bayan ng Jones.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Felix Tirol, ng Barangay Dibuluan, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report ng pulisya, nag-inuman sina Tubay kasama ang isang alyas “Rey” at nagkabiruan sila na papatayin umano ang suspek dahil sa pang-aasar nito sa kanyang anak na may problema sa pag-iisip.

Ayon sa pulisya, lingid sa kanilang kaalaman, narinig ng suspek ang sinabi ni Tubay kaya hinintay umanong makatulog ang biktima.

Habang natutulog na si Tubay ay pinagtataga umano ito ng suspek gamit ang jungle bolo na itinusok pa umano sa leeg ng biktima.

Agad na namatay ang biktima dahil sa mga tinamong taga sa ulo at katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek ngunit nasukol siya sa Brgy. y Dibuluan, sa isinagawang manhunt operation ng mga pulis.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Jones Police Station at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.