Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karpintero nalibing sa eskuwelahan

0 195

Patay ang isang karpintero habang kritikal ang kasamahan nito nang mabagsakan ng ‘metal beam’ habang abala sa pagkukumpuni ng ‘scaffolding’ na may tatlong metro ang lapad ng hukay sa isang eskwelahan sa Quezon City, Sabado ng hapon.

Binawian ng buhay si Blandino Salvado, 50, tubong Camarines Sur, habang malubhang nasugatan ang kasamahang si Marcelo Barcenas, 43, kapwa karpintero at stay-in sa San Gabriel Elementary School, Barangay Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang aksidente.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PCpl Christian Loyola, abala umano ang mga construction workers sa nasabing paaralan nang bumigay ang bahagi ng hukay, nagka-watak watak ang metal beams ng scaffoldings at bumagsak sa mga biktima na nasa ilalim.

Nabatid na hindi na pumayag ang pamilya ng nasawi na imbestigahan pa ang insidente dahil kumbinsido umano ang mga ito na aksidente ang nangyari. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.