Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karpintero rumaket ng P2.1M shabu

0 214

Kulungan ang bagsak ng isang karpintero na kinikilalang high value drug personality matapos malambat sa ikinasang buy bust operation, sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Noli Canlas y Navarro, 55-anyos, karpintero at residente ng Balut, Tondo, Manila na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa Mandaluyong Prosecutor’s Office.

Inaresto ang suspek alas-9:30 Biyernes ng gabi, matapos na makipagtransaskyon sa isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency na umaktong buyer ng illegal drugs.

Nakumpiska mula sa suspek ang nasa timbang na 1.8 gramo ngf shabu na may P12,240.00 ang halaga at P5,000.00 buy-bust money habang nakuha pa mula sa bag ng suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 321 gramo at P2,182,800.00 ang halaga.

Pinarangalan ni National Capital Region Police (NCRPO) Chief PMGen. Debold Sinas ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng anti-illegal drugs ng Mandaluyong City Police sa pagkakahuli sa suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.