Abante Tonite Interactive

Karylle-Jhong champion sa ‘Magpasikat 2018’

839

tonite-this-is-it-roldan-castro
Mas pinalakas ang muling pagsasama ng team nina Karylle at Jhong Hilario dahil mula sa pagiging third place noong 2017, itinanghal sila bilang ang Magpasikat 2018 champion sa “It’s Showtime” para sa kanilang orihinal na musical tungkol sa mga insekto at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng isa’t isa.

Isinalaysay ng musical ang kuwento tungkol sa anak ng isang ipis at higad (Jhong) na piniling magpakatotoo sa sarili. Sa pamamagitan ng musika at rainbow flags, ibinahagi ng musical ang positibong mensahe ng pagmamahal at pagtanggap sa pagkakaiba ng lahat bilang pagsuporta sa LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer) community.

Ayon sa mga huradong sina Ronnie at Mariz Ricketts, komedyanteng si Empoy Marquez, aktor na si PJ Abellana, politikong si Shalani Soledad, at mamamahayag na si Gus Abelgas, kakaiba at pang-international ang naturang musical lalo pa’t kumpleto ito sa drama, katatawanan, at mga orihinal na awitin.

Bilang champion, wagi ng P300,000 para sa kanilang napiling chari­ty ang buong team, na kinabibila­ngan din nina Hashtags Ronnie, Jimboy, at Rayt, at GirlTrends Chienna at Jessica.
Panalo naman sa second place ang team nina Vice Ganda at Amy Perez para sa makulay na performance tungkol sa pag-abot ng pangarap na itinampok ang trampoline dance act at pagkanta sa ulan. Nagwagi sila ng P200,000 para sa kanilang charity.

Nasungkit naman nina Anne Curtis at Mariel Rodriguez-Padilla para sa buwis-buhay nilang “The Greatest Showman”-inspired performance at nakakuha ng P100,000 para sa kanilang cha­rity.

Nakatanggap naman ng parehong P50,000 bilang consolation prize ang teams nina Jugs Ju­gueta at Teddy Corpuz, at Vhong Navarro at Ryan Bang.

Bukod sa Magpasikat, mas naging espesyal din ang pagdiriwang ng ikasiyam na anibersaryo ng “It’s Showtime’s” sa “anniBEKsary” edition ng “Miss Q and A” segment, kung saan nag-damit beauty queen at naglaban-laban ang lalaking hosts na sina Jugs, Teddy, Jhong, at Hashtags Nikko at Kid. Nagwagi naman sa kumpetisyon si Jhong bilang si “Alakdawn Zulueta.”

Bukod sa pagtulong ng “It’s Showtime” hosts sa iba-ibang charities sa pamamagitan ng Magpasikat, maagang pamasko ang inihatid ng “Tawag ng Tanghalan” hurado na sina Jaya, K Brosas, Nyoy Volante, at Mitoy, at “TNT” singers na sina Froilan Canlas, Steven Paysu, Sheena Belarmino, Ato Arman, Marielle­ Montellano, Noven Belleza, Sam Mangubat sa kanilang pag-awit ng sikat na Christmas songs.

Ayon sa kanila, ipagkakaloob nila bilang donasyon ang talent fees nila mula sa naturang production number sa Bantay Bata 163 program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. Ito ay matapos magbigay-tulong sa kapwa ng TNT Boys sa pag-awit nila kamakailan sa President’s Star Charity sa Singapore at pagdo-donate ng kanilang premyo mula sa “The Kids’ Choice” Bantay Bata 163.

Sa anniversary episode, binalikan din ng hosts ang siyam na taong pagpapasa­ya sa madlang people at pagtupad ng mga panga­rap. Gumawa ito ng ­ingay online kaya naman nanguna sa listahan ng trending topics ang hashtag na #ShowtimeMagpasikat2018 sa Twitter Philippines at worldwide.

 

Daniejela Miss Earth Slovenia

Takaw-pansin ang beauty ng Miss Earth candidate na si Danijela Burjan. Siya’y kinatawan ng Slovenia. Ang hometown niya ay Zreče.

Siya’y 22 yeard old at Veterinary Science student. Anim na languages ang nalalaman niyang salita. Ito’y ang Slovenian, Croatian, Serbian, Bosnian, English and German.

Isa rin siyang opera singer at at humahanga sa classical music.