Abante Tonite Interactive

Karylle pabor makipag-split sa text

By
4,258

Sino kaya ang tinutukoy ni Karylle sa mga ex niya dahil sa pahayag niyang “ganyan ang nangyari sa akin. Nagulat na lang ako na may mga post na silang photos sa Facebook ng kanilang beach outing.”

May kinalaman ito sa sagot ng isang kalahok sa Ms. Q & A ng ‘It’s Showtime.’ Ang tanong kasi ay kung okey lang na sa pamamagitan ng text makipag-break ang isang tao?

Sa naging paliwanag ni Karylle, okey lang daw ‘yun. Hindi raw kaduwagan ang ganung style sa panahong ito. Mas mabuti na nga raw ‘yun kesa sa hindi na magpakita o magsalita man lang. Kesa naman daw gugulatin ka na lang sa post sa social media na iba na kasama.

Aguy…
***

Mga host ng ‘It’s Showtime,’ nang-uurot sa guesting ni Dingdong

Masipag si Anne Curtis sa pagpo-promote ng movie nila ni Dingdong Dantes sa ‘It’s Showtime’ kaya hindi maiwasang makantiyawan si Ka­rylle. Merong mga co-host silang nang-uurot na imposible nga raw makatuntong ng natu­rang noontime show ang ex ni K.

Pero imposible raw mangyari na sabay makapag-promote sina Dong at Anne sa natu­rang show dahil ‘di kaya ng schedule ng aktor.

‘Ano ba kayo, sobrang tagal na nun. We’re both happy with our own families at may mga pagkakataon namang nagkikita kami. Wala nang isyu,” pakli ni Karylle sa mga kasamang nagbibiro sa sitwasyon.

Anyway ngayong May 30 na ipapalabas ang SID & AYA under Viva Films.
***

Atom binawalan kay Karen

Guesting na rin lang ang pinag-uusapan, hindi umano totoo na pinagbawalan ng GMA 7 si Atom Araullo na umapir sa programang ANC Headstart ni Karen Davila.

Nagpaalam daw kasi ang aktor ng Citizen Jake na mag-guest sa naturang show pero hindi nga agad ito nangyari.
Sinasabing merong ‘something’ sa ABS-CBN network ang direktor ng movie na si Mike de Leon, pero tsismis lang din daw ito.

Basta ang maliwanag, never na pinagbawalan si Atom dahil alam daw ng GMA 7 kaibigan ni Atom si Karen.