Abante Tonite Interactive

Kasado na ang kaso kay Ben Diokno

282

Tiniyak ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na hindi pa rin lusot si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kahit pinagtibay na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang 2019 ­national budget.

Sa halip na ipa-contempt at piliting humarap sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa diumano’y ‘insertions’ sa budget, sinabi ni Andaya na sasampahan na lamang nila ng kasong kriminal si Diokno dahil sa pagbibigay aniya ng pabor sa Aremar Construction.

“Doon na lang po kami sa…dahil naman po ‘yung kaso ng kompanya kung saan ang anak niya ay involved at kumita sila ng P81 million, ano po ‘yon, kasado na. Kumpleto na. Hinog na po ‘yun para sa isang kaso. Ipa-file na lang po namin ‘yung kaso at doon na lang sa piskalya o sa Ombudsman magpaliwanag,” ayon sa kongresista.

Inaakusahan si Diokno na naglaan ng pondo para sa mga proyekto sa Casiguran, Sorsogon na karamihan ay napunta sa Aremar Construction.