Abante Tonite Interactive

Kasal mawawalan ba ng bisa sa Muslim rites?

By
436

Dear Atty Claire,

I am a Filipino citizen, 41 years old and married long back July 26, 1999. My wife and i got married in Zambales. Nag-aaway kami dahil sa mga bata pa kami.  Noong nagkahiwalay kami, I waited for a very long time that soon we will be together again, but unfortunately she went to UAE and became a Muslim and married to non-Filipino Muslim. 

 I want to start my life pero hindi naman ako puwedeng magpakasal.. yung bang kasal sa Muslim rites ay ground para maging null and void ang kasal namin? Help me po.

Abante Hiring – IT dep

Thank you,

R Garcia

Mr. R Garcia,

Sa bansa po natin ay kinikilala ang mga custom and tradition ng kababayan natin na Muslim ngunit ang kasal ninyo ay hindi basta-basta napapawi o nawawala kahit nagpakasal siya sa isang Muslim dahil sa hindi pa naman napawalang bisa ang kasal niya sa iyo bago pa siya magpakasal sa iba.

Maliban lamang kung nag-iba na siya ng nationality at saka ka siya nag-divorce at nagpakasal sa iba. Maaari mo itong gawing ground para ma-recognize ang anumang desisyon mula sa ibang bansa na nagbigay ng karapatan sa iyong asawa na mag-asawang muli.

Kung hindi ganito ang sitwasyon mo ay kakailanganin na magsampa ka ng Petition for Nullity of Marriage at ipakita na siya ay may asawa nang iba na napayagan sa ibang bansa. Ang gagamitin mong ground ay ayon sa Art. 36 of the Family Code na magpapakita ng abandonment of the family at ang kanyang pakikipagrelasyon sa iba na naging sanhi ng ‘di niya pagganap sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245, o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.