Abante Tonite Interactive

Kasal ng singer-actress iisnabin ng magulang

1,813

Kung hindi March ay April daw ang inaabangang kasal ng isang sikat na singer-actress (SSA) sa actor boyfriend (AB) nito.

May balitang sa ibang bansa gaganapin ang kasal at siyempre ay lilipad doon ang lahat ng imbitado ng couple.

Ang dinig namin, hanggang sa mga sandaling ito ay walang balak dumalo sa kasal ang paryentes ni SSA, na nagbibigay ng undue stress sa bride na gusto lamang maikasal sa kanyang pinakamamahal na fiance.

Tila nobody will ever be good enough para sa mga magulang ni SSA, kaya pati ang napakahalagang araw na ‘yon ng kanyang buhay ay kayang balewalain ng mga ito.

Sinusubukang hanapan ng solusyon ni SSA ang problema niyang ‘yon dahil gusto siyempre niyang kumpleto ang pamilya niya sa araw ng kanyang kasal.

Kung hindi pa rin maaayos ang problema, in fairness ay hindi raw papayag si SSA na hindi matuloy ang kasal at handa siyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay AB.

Nu’ng una ay nag-alala pala si SSA na baka ‘sukob’ ang kasal nila dahil may isang kapamilya si AB na ikinasal kamakailan, pero may nagpaliwanag sa kanya na kapag hindi magkapareho ng taon ang kasal ay walang problema.

Ang maganda kina SSA at AB ay pinatibay na sila ng mga pinagdaanan nila kaya handang-handa na silang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan, meron mang kumokontra sa ibang miyembro ng pamilya.

Naalala tuloy namin ang kaso ni Heart Evangelista na tutol na tutol ang mga magulang na magpakasal ito kay Senador Chiz Escudero.

Nanindigan si Heart at ipinaglaban ang puso niya. Ang ending ay naghiwalay ang parents ni Heart matapos ang mahabang panahon bilang mag-asawa, habang sila ni Chiz ay maligaya pa rin sa piling ng isa’t isa.

Kung nagawa ni Heart ay magagawa rin ni SSA. Kapit lang…

PAK!!

Ai Ai nawalan ng gana sa marijuana ni Jiro

Hindi napigilang maglabas ng kanyang saloobin si Ai Ai delas Alas dahil sa bagong isyung kinasangkutan ng itinuring niyang anak-anakan na si Jiro Manio.

Sa pinost niyang IGTV video kahapon ay detalyadong naipaliwanag ni Ai Ai ang mga ginawa niyang pagtulong kay Jiro na nagsimula nu’ng 2015 nang makita itong palaboy-laboy sa NAIA.

Pina-rehab, ginastusan at tinulungan ni Ai Ai si Jiro sa abot ng kanyang makakaya, kaya lang ay may hangganan din ang lahat lalo na kung ‘yung mismong tao ay ayaw magbago at ayaw tulungan ang sarili.

Sumuko ang komedyana nu’ng malaman niyang habang nasa loob ng rehab ay nagma-marijuana pa rin ang dating child actor. Doon na siya napagod at nawalan na talaga ng pag-asa.

27-anyos na ngayon si Jiro, so feeling ni Ai Ai ay tama ang nagawa niya rito dahil matanda na rin ito at hindi na menor de edad.

Nawalan na raw sila ng contact mula nu’ng umalis ito sa rehab sa Bataan at bumalik ng Maynila. Nito na lang niya ulit nabalitaan si Jiro dahil sa frusrated homicide case nito.

Kita mong parang ina si Ai Ai na patuloy na nadudurog ang puso sa mga nangyayari kay Jiro, pero ang magagawa na lang daw niya ay magdasal na mapabuti ito.

Bisi-bisihan ang Comedy Queen sa promo ng bagong pelikula niyang “D’Ninang” na opening salvo ng Regal Films sa 2020 at mamayang gabi ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema 7.

Kasama rito ni Ai Ai sina Kisses Delavin, McCoy de Leon, Joey Marquez, Kiray Celis, atbp., sa direksyon ni GB Sampedro.

GF ni Martin kaibigan ni Pops

Lalo kaming bumilib sa friendship ngayon nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil personal naming nasaksihan kung gaano sila kaokey sa mga personal na buhay nila.

Nag-dinner kasi kami sa house ni Pops sa BGC nu’ng Sabado night na post birthday celebration ni Daddie Wowie Roxas at dumating doon si Martin kasama ang girlfriend nito na si Angie del Rosario.

Ang galing dahil sama-sama ang lahat at nakita naming friends din talaga sina Pops at Anj. Ang saya!

Ang bongga ni Pipay dahil kahit wala siyang special someone ay happy siya sa buhay niya as a single woman.

Nandu’n din sa house ni Pops ang bunso nila ni Mart na si Ram. Ang panganay na si Robin ay nasa LA.

Naniniwala kami na Pops and Martin are both in a very happy place right now kaya ganu’n kaganda ang kanilang samahan.

Mas na-excite tuloy kaming manood ng Valentine series nila sa The Theatre at Solaire na “Twogether Again”.

PAK!!