Abante Tonite Interactive

Kasal ni Vhong: ‘It’s Showtime’ tropa susugod sa Japan

541

Mag-a-advance taping ang “It’s Showtime” dahil lilipad pa-Japan ang buong grupo para sa kasal ni Vhong Navarro sa November 29.

Ang sabi ng source namin ay malamang magbakasyon na rin muna roon ang mga host, tutal nga ay magti-tape muna sila ng show bago umalis.

Paborito pala ni Vhong at ng fiancée niyang si Tanya Winona Bautista ang Japan kaya doon sila magpapakasal.

Lagi silang nagpupunta ng Japan na kadalasan ay kasama ang dalawang anak ni Vhong na sina Frederick (o Bruno) at Isaiah (o Yce).

Siyempre ay may role sa magaganap na wedding ang boys ni Vhong na sina Bruno at Yce. Kasali rin ang mga katropa niya noon sa Streetboys na hanggang ngayon ay very close sa kanya.

Ninong siyempre ang butihing manager at tatay-tatayan ni Vhong at ng Streetboys na si Direk Chito Roño.

Siguradong part din ng entourage ang mga kapatid ni Vhong sa “It’s Showtime”.

Sa tuwing may ikakasal sa kanila ay in full force ang tropa, gaya sa nangyari sa kasal ni Anne Curtis kay Erwan Heussaff kahit sa New Zealand pa ito ginanap nu’ng November 2017.

Kasama ni Vhong si Tanya sa wedding ni Anne sa NZ. Hindi namin sure kung puwedeng magbiyahe si Anne pa-Japan bilang very pregnant ito ngayon sa first baby nila ni Erwan Heussaff.

Si kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Balesin nu’ng April 2018 ay in full force din ang mga taga-“Showtime”, pati na rin du’n sa wedding ni Karylle kay Yael Yuzon sa Tagaytay nu’ng March 2014.

Tila inililihim ang nalalapit na pagpapakasal na ito ni Vhong dahil nu’ng magtanong kami sa isang malapit sa kanya ay nagulat ito kung paano namin nalaman ang tungkol doon.

In fairness ay karagdagan ang Vhong wedding sa mga happy news ngayon sa showbiz after ng Sarah-Matteo engagement at ng pagbubuntis ni Anne sa panganay nila ni Erwan.

Love, love, love lang all around!

Top 12 Clashers nagpasiklab

Nagpasiklab ang Top 12 finalists ng original Kapuso musical competition na “The Clash” nang humarap ang mga ito sa press.

Kanya-kanyang pakitang-gilas ang napiling Top of the Clash at in fairness ay impressive ang boses nila nang magsiawit sila nang live sa harap ng media.

Base sa performance nila nu’ng presscon, nag-standout sa amin ang R&B Sweetheart ng Qatar na si Thea Astley.

Kakaiba kasi si Thea, na mala-KZ Tandingan ang tunog at magaling din mag-rap. Hindi lang siya ‘yung usual biritera, kakaiba ang style niya pati ang song choice niya na “Upuan” ni Gloc-9.

Pak na pak si Thea, na may itsura rin at may personality kaya mukhang malakas ang laban nito.

Iba rin ang tunog ng Soulful Songstress ng Parañaque na si Janina Gonzales, na swabeng-swabe ang pag-belt ng “New York State of Mind”. May pagka-Verni Varga ang datingan ni Janina.

Hanep din sa bosesan ang Bokalistang Bisdak ng Cebu na si Clark Serafin, ang Pop Heartthrob ng Imus na si Jeremiah Tiangco at ang Comeback Kid ng Cavite na si Nef Medina.

Malakas naman ang audience impact ng lesbian contestant na si Tombi Romulo, ang Pride ng Kawit, Cavite.

Samantala, patutunayan din ng Big Voice ng Dasma na si Al Fritz, Pambatong Mangyan ng Mindoro na si Aljon Gutierrez, Viral Princess ng Parañaque na si Antonette Tismo, Birit Beauty ng Malabon na si Jeniffer Maravilla, Biba Babe ng L.U. na si Lorraine Galvez at Sassy Girl ng Pampanga na si Sassa Dagdag na karapat-dapat silang mapabilang sa Top 12.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang hosts ng “The Clash” Season 2.