Abante Tonite Interactive

Kasal nina Chris-Katherine ayaw maging karnabal

412

Noong Linggo nang umaga, isang araw matapos masipa ng isang lalaki sa katatapos na Arnold Classic Africa sporting event sa South Africa, nilinaw ni Arnold Schwarzenegger na hindi na siya magsasampa ng kaso sa nasabing lalaki.

Nakikipag-usap lamang ang 71-anyos na Hollywood star nang sipain sa likod ng isang hindi kilalang lalaki.

Ito ang dahilan kaya natumba ang aktor.

Kaagad namang dinakip ng mga otoridad ang nasabing lalaki habang itinuloy naman ni Arnold ang pakikisalamuha sa mga taong dumalo sa nasabing sporting event.

“I hope this was a wake-up call, and he gets his life on the right track. But I’m moving on and I’d rather focus on the thousands of great athletes I met at @ArnoldSports Africa,”post ni Arnold.

Siniguro ni Schwarzenegger sa kanyang mga tagahanga na maayos ang kanyang kondis-yon at pagtuunan na lang umano ng mga tao ang mga atletang lumahok sa event.

Samantala,nito lamang nakaraang Linggo, Schwarzenegger’s ex-wife, Maria Shriver,ay nagbigay ng maikling update sa nalalapit na kasal ng kanilang anak na babae, tungkol sa inaaba-ngang wedding ni Katherine Schwarzenegger kay Chris Pratt.

Although hindi niya sinabi kung kailan magaganap ang actual wedding ng anak ay kinumpirma lang niyang malapit na malapit na raw maganap ang wedding nina K­atherine at Chris.

Ang sure lang ayaw nilang maging karnabal. Magiging intimate affair ito at focus sila sa commitment nila sa isa’t isa. (Lourdes F­abian)