Abante Tonite Interactive

Kasalang Alden at Maine sa Batanes drawing

By
3,483

Hindi naman makatarungan na paratangan ang Pambansang Bae na si Alden Richards na mas gusto niyang magbiyahe kesa makasama si Maine Mendoza.

Sana tantanan na ang ganyang intriga dahil bilang Kapuso talent nag-iikot lang si Alden sa iba’t ibang dako ng mundo para lalong makilala ang istasyon at makita rin siya ng personal.Walang masama kung umalis siya dahil parte ito ng trabaho niya.

‘Yung movie nila ni Maine ‘wag isisi kay Alden kung hindi pa nag-i-start. Dapat itanong ‘yan sa producer nila. Kung may schedule talaga para mag-shoot sila, siguradong iba-block ni Alden yun.

Huwag na ring mag-ilusyon at gawan ng isyu na kaya nagpunta si Alden sa Batanes para sa preparasyon ng kasal nila ni Maine. Kesyo inikot daw ang mga simbahan at nagtatanong kung kailan ang tag-ulan at kailan ang fine weather sa Batanes para sa kasal nila.

Aray ko! Josh ko! May ganun?

Anyway, nanggulat si Alden nu’ng Biyernes dahil dumating siya sa Kapuso Bloodletting Day. Bigla siyang nag-donate ng dugo. Mag-drop by lang sana siya para batiin at para pasalamatan ang mga donors pero biglang siyang nagpa- screen. Pumasa naman siya bilang donor.

“Sana maraming ma-inspire to do this as well. It’s saving lives. Parang ano lang ito… You just give out 450ml of your blood and you can help a lot of people,” deklara niya.

Boom!

Young actor na mukhang anghel manyakis

HULAAN BLUES: Mukhang anghel ang hitsura ng young actor pero sobrang elya raw ito. Lahat ng babae na puwede niyang tikman ay hindi pinapalampas. Wala raw siyang nakakarelasyon na hindi niya nado-do.

Manyakis, mahilig sa sex kung isalarawan ng aming source ang young actor na ngayon ay may ka-loveteam.

Hinuhulaan na nilang matsutsugi rin niya ang katambal dahil mukhang in love din ito sa kanya.

Kamakailan ay nakipag-flirt ang young actor sa waitress na naka-bikini sa isang super club. Sinita siya at binirong isusumbong sa gf/love team niya.

“Wala naman akong ginagawang masama,” katwiran niya.

Sino siya?