Abante Tonite Interactive

Kasalang eco-friendly nangabog!

0 342

Kakaibang kasalan ang nasaksihan sa bayan ng Sta. Catalina, Negros Oriental na hina­ngaan dahil sa pagiging eco-friendly nito.

Bukod sa ti­pid sa gastos ang mga bagong kasal dahil sa halip na mamahaling kubyertos, mga paha ng sa­ging na ginawang plato ng mga bisita habang gawa naman sa kawa­yan ang mga gina­mit na baso at straw.

Ang handa ay sagana rin sa iba’t ibang prutas, mga kakanin, at mga pagkaing sariling atin na nakahain sa dahon ng saging at mga bilao.

Pinili rin ng mag-asawa na sina Audre at Jan Valense Geconcillo ang kalikasan, at sumalamin ito sa mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Hindi na nabanggit pa ang pa­ngalan ng mga nagbigay ng regalo na pawang maka kalikasan.

Kaya naman sa araw ng kasal ay tumanggap sila ng mga pananim na niyog, at seedlings ng prutas, gulay, at kape na plano rin nilang itanim sa kanilang maliit na lupain.

Ang eco-friendly wedding ay nag-viral matapos i-post sa Facebook ni Toto Ibib. (Juliet de Loza-Cudia)