Abante Tonite Interactive

Kasalang KathNiel: ‘Bakit pa papatagalin?’

428

Panalo ang in-upload na video ni Erich Gonzales sa kanyang YouTube account kung saan ay guest niya si Kathryn Bernardo.

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa pagsasama sa isang frame ng dalawang aktres at may nag-comment pa na mas maganda pa raw ito kaysa sa TV show.

May inihandang questions si Erich at sasagutin ito ng “yes” or “no” ni Kathryn and in fairness, karamihan dito ay ngayon lang nasagot ng aktres.

May paliwanag siya kung bakit beach wedding ang gusto niya.

“Dream ko ‘yan. Iba rin ‘pag sa church pero since mahilig ako sa dagat, I think, very important or malaking bagay sa akin na merong. . . alam mo ‘yun, nandu’n ako sa favorite place ko,” sey ni Kathryn.

Kung ngayon daw siya tatanungin tungkol sa kasal, siyempre ay hindi pa siya ready at mga 3-4 years from now pa raw siguro.

“Kasi, ayoko ‘yung too late rin, eh. Bakit pa papatagalin ‘di ba?” sey pa ni Kath.

Boy daw ang gusto niyang panganay na anak at pagkatapos ay girl naman.

Sa tanong ni Erich na “do you see Daniel Padilla in your future?” sagot ni Kathryn, “oh my God, yes! Why not? It’s a big yes!”

Tanong ulit ni Erich, “kapag ini-imagine mo, ano’ng nakikita mo?” at sagot naman ni Kathryn, “wala na akong nakikita, si DJ na lang.”

Nang tanungin naman if she’s at her happiest now, sagot ni Kath, “yes, I’m at my happiest now. Kasi in-embrace ko lahat ng nangyari, mas free ako ngayon, parang kontrolado ko ang life ko.”

Pinuna ni Erich na mas nag-o-open up na rin si Kathryn ngayon unlike before na parang may wall siya at um-agree naman ang huli.

“‘Di ko nga alam, eh, ba’t ngayon lang? Nagsisisi ako na. . . before kasi, masyado akong careful, masyadong takot, alam mo ‘yun? So, na-realize ko,
mga 3 years ago na, mas masaya palang maging alam mo ‘yun, open,” she said.

Agree rin ang mga netizen sa pagiging open ngayon ni Kath at marami ang pumuri sa pagiging natural ng conversation ng dalawang aktres.

Gabby solid Kapuso

Solid Kapuso talent pa rin si Gabby Eigenmann as he renewed his exclusive contract with GMA-7 last Tuesday, July 16. Kasama niyang pu-mirma ang kanyang ma-nager, of course, na si Perry Lansigan at sa parte naman ng network ay naroon sina GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G.

Rasonable, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA VP for Drama Redgie A. Magno, and GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon.

“For the longest time, I’ve called this network my home. Kung bibilangin natin kung gaano talaga ‘ko katagal sa industriya burado na ‘yung minus 1 year eh. I started 1996, pero I felt at home here in GMA for 22 years – 22 long years.

“Never in my mind, in my deepest thoughts, na napabayaan ako ng network. For the past 22 years, I’ve always been honored and I’ve always felt na parte talaga ko ng network na ‘to. Sobrang happy ako,” pahayag ni Gabby sa panayam sa kanya ng GMA-7 after the contract signing.

Sa ngayon ay katatapos lang mapanood ng aktor sa teleseryeng “Inagaw na Bituin” at kasalukuyang hinahanapan na raw ng bagong proyekto ng ma-nagement.